1 Chronicles 12:38 — Compare Translations
4 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Lahat ng mga ito, mga mandirigmang handa sa pakikipaglaban, ay pumunta sa Hebron na may buong layunin na gawing hari si David sa buong Israel. Gayundin, ang iba pa sa Israel ay nagkaisa na gawing hari si David.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Silang lahat ang sundalo na nagprisinta sa pakikipaglaban. Pumunta sila sa Hebron at nagkaisa silang gawing hari si David sa buong Israel. Sa katunayan, halos lahat ng Israelita ay gustong maging hari si David.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Lahat ng mga ito na mga lalaking mangdidigma na makahahanay sa pagbabaka, ay nagsiparoong may sakdal na puso sa Hebron, upang gawing hari si David sa buong Israel: at ang lahat na nangalabi sa Israel ay nagkaisang loob din naman upang gawing hari si David.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)