1 Chronicles 15:16 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Inutusan rin ni David ang pinuno ng mga Levita na italaga ang kanilang mga kapatid bilang mga mang-aawit na tutugtog sa mga panugtog, mga alpa, mga lira at mga pompiyang, upang magpailanlang ng mga tunog na may kagalakan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Inutusan ni David ang mga pinuno ng mga Levita na pumili ng mang-aawit mula sa kapwa nila Levita, sa pag-awit ng masasayang awitin na tinugtugan ng mga lira, alpa at pompyang.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At si David ay nagsalita sa pinuno ng mga Levita, na ihalal ang kanilang mga kapatid na mangaawit, na may mga panugtog ng tugtugin, mga salterio, at mga alpa, at mga simbalo, upang magsitugtog ng malakas, at maglakas ng tinig na may kagalakan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Inutusan din ni David ang mga pinunong Levita na pumili ng mga kapwa nila Levita upang umawit at tumugtog ng lira, alpa at pompiyang.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Inutusan din ni David ang mga pinunong Levita na pumili ng mga kapwa nila Levita upang umawit at tumugtog ng lira, alpa at pompiyang.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Inutusan din ni David ang mga pinunong Levita na pumili ng mga kapwa nila Levita upang umawit at tumugtog ng lira, alpa at pompiyang.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)