1 Chronicles 18:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Naglagay siya ng mga himpilan sa Edom; at lahat ng mga Edomita ay naging mga alipin ni David. At binigyan ng PANGINOON ng pagtatagumpay si David saanman siya pumunta.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Naglagay si David ng mga kampo sa Edom at naging sakop niya ang lahat ng Edomita. Pinagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumunta para makipaglaban.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At naglagay siya ng mga pulutong sa Edom; at lahat ng mga Idumeo ay naging mga alipin ni David. At binigyan ng pagtatagumpay ng Panginoon si David saan man siya naparoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagtayo siya ng mga himpilan ng hukbo sa Edom sapagkat ang mga Edomita ay nasakop rin ni David. Pinagtagumpay ni Yahweh si David saanman siya makarating.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagtayo siya ng mga himpilan ng hukbo sa Edom sapagkat ang mga Edomita ay nasakop rin ni David. Pinagtagumpay ni Yahweh si David saanman siya makarating.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nagtayo siya ng mga himpilan ng hukbo sa Edom sapagkat ang mga Edomita ay nasakop rin ni David. Pinagtagumpay ni Yahweh si David saanman siya makarating.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)