1 Chronicles 19:2 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sinabi ni David, "Papakitunguhan kong may katapatan si Hanun na anak ni Nahas, sapagkat ang kanyang ama ay nagpakita ng katapatan sa akin." Kaya't nagpadala si David ng mga sugo upang aliwin si Hanun tungkol sa kanyang ama. Nang ang mga lingkod ni David ay dumating kay Hanun sa lupain ng mga anak ni Ammon upang aliwin siya,
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ni David, “Pakikitaan ko ng kabutihan si Hanun dahil naging mabuti ang ama niya sa akin.” Kaya nagpadala si David ng mga opisyal para ipakita ang pakikiramay niya kay Hanun sa pagkamatay ng ama nito. Pero pagdating ng mga opisyal ni David sa lupain ng mga Ammonita,
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ni David, Akoy magpapakita ng kagandahang loob kay Hanan na anak ni Naas, sapagkat ang kaniyang ama ay nagpakita ng kagandahang loob sa akin. Sa gayoy nagsugo si David ng mga sugo upang aliwin siya tungkol sa kaniyang ama. At ang mga lingkod ni David ay naparoon sa lupain ng mga anak ni Ammon kay Hanan, upang aliwin siya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi ni David, “Napakabuti sa akin ni Nahas. Kailangang kaibiganin ko rin ang kanyang anak.” Kaya nagpadala siya ng mga sugo upang ipahatid ang kanyang pakikiramay kay Hanun sa pagkamatay ng ama nito. Pagdating ng mga sugo,
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi ni David, “Napakabuti sa akin ni Nahas. Kailangang kaibiganin ko rin ang kanyang anak.” Kaya nagpadala siya ng mga sugo upang ipahatid ang kanyang pakikiramay kay Hanun sa pagkamatay ng ama nito. Pagdating ng mga sugo,
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi ni David, “Napakabuti sa akin ni Nahas. Kailangang kaibiganin ko rin ang kanyang anak.” Kaya nagpadala siya ng mga sugo upang ipahatid ang kanyang pakikiramay kay Hanun sa pagkamatay ng ama nito. Pagdating ng mga sugo,
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinabi ni David, Ako'y magpapakita ng kagandahang loob kay Hanan na anak ni Naas, sapagka't ang kaniyang ama ay nagpakita ng kagandahang loob sa akin. Sa gayo'y nagsugo si David ng mga sugo upang aliwin siya tungkol sa kaniyang ama. At ang mga lingkod ni David ay naparoon sa lupain ng mga anak ni Ammon kay Hanan, upang aliwin siya.