1 Chronicles 22:10 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Siya ay magtatayo ng bahay para sa aking pangalan, Siya'y magiging aking anak, at ako'y magiging kanyang ama; at itatatag ko ang trono ng kanyang kaharian sa Israel magpakailanman.'
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Siya ang magpapatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan. Ituturing ko siyang anak at akoʼy magiging kanyang ama. Maghahari ang mga angkan niya sa Israel magpakailanman.’
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan; at siyay magiging aking anak, at akoy magiging kaniyang ama; at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi pa niya sa akin, ‘Siya ang magtatayo ng templo para sa akin. Magiging anak ko siya at ako'y magiging ama niya. Patatatagin ko ang paghahari ng kanyang angkan sa Israel magpakailanman!’”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi pa niya sa akin, ‘Siya ang magtatayo ng templo para sa akin. Magiging anak ko siya at ako'y magiging ama niya. Patatatagin ko ang paghahari ng kanyang angkan sa Israel magpakailanman!’”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi pa niya sa akin, ‘Siya ang magtatayo ng templo para sa akin. Magiging anak ko siya at ako'y magiging ama niya. Patatatagin ko ang paghahari ng kanyang angkan sa Israel magpakailanman!’”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan; at siya'y magiging aking anak, at ako'y magiging kaniyang ama; at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian sa Israel magpakailan man.