1 Chronicles 23:25 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat sinabi ni David, "Ang PANGINOON, ang Diyos ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan; at siya'y naninirahan sa Jerusalem magpakailanman.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ni David, “Binigyan tayo ng Panginoon, ang Dios ng Israel, ng kapayapaan at maninirahan siya sa Jerusalem magpakailanman. Hindi na kailangang dalhin ng mga Levita ang Tolda at ang mga kagamitan nito.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat sinabi ni David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan; at siyay tumatahan sa Jerusalem magpakailan man:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi ni David, “Binigyan na ni Yahweh, na Diyos ng Israel, ng kapayapaan ang kanyang bayan, at maninirahan na siya sa Jerusalem magpakailanman.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi ni David, “Binigyan na ni Yahweh, na Diyos ng Israel, ng kapayapaan ang kanyang bayan, at maninirahan na siya sa Jerusalem magpakailanman.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi ni David, “Binigyan na ni Yahweh, na Diyos ng Israel, ng kapayapaan ang kanyang bayan, at maninirahan na siya sa Jerusalem magpakailanman.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't sinabi ni David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan; at siya'y tumatahan sa Jerusalem magpakailan man: