1 Chronicles 24:6 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Itinala ang mga ito ni Shemaya na eskriba na anak ni Natanael na Levita, sa harapan ng hari, at ng mga pinuno, at ng paring si Zadok, at ni Ahimelec na anak ni Abiatar, at sa mga pinuno sa mga sambahayan ng mga ninuno ng mga pari, at ng mga Levita. Isang sambahayan ng mga ninuno ang pinili para kay Eleazar, at ang isa'y pinili para kay Itamar.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Si Shemaya na anak ni Netanel na Levita ang kalihim. Itinala niya ang pangalan ng mga pari sa harap ng hari at ng mga opisyal na sina Zadok na pari, Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at ng mga Levita. Salitan sa pagbunot ang angkan nina Eleazar at Itamar.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At si Semeias na anak ni Nathanael na kalihim, na sa mga Levita ay isinulat sila sa harapan ng hari, at ng mga prinsipe, at si Sadoc na saserdote, at ni Ahimelech na anak ni Abiathar, at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote, at ng mga Levita: isang sangbahayan ng mga magulang ay kinuha para sa kay Eleazar, at isay kinuha para sa kay Ithamar.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Si Semaias na anak ng Levitang si Netanel ang naglista ng mga pangalan, at ginawa niya ito sa harapan ng hari. Nasaksihan din ito ng mga prinsipe, ni Zadok na pari, ni Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng angkan ng mga pari at Levita. Isang sambahayan ng mga pari ang inilista sa panig ni Eleazar at isa rin kay Itamar.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Si Semaias na anak ng Levitang si Netanel ang naglista ng mga pangalan, at ginawa niya ito sa harapan ng hari. Nasaksihan din ito ng mga prinsipe, ni Zadok na pari, ni Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng angkan ng mga pari at Levita. Isang sambahayan ng mga pari ang inilista sa panig ni Eleazar at isa rin kay Itamar.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Si Semaias na anak ng Levitang si Netanel ang naglista ng mga pangalan, at ginawa niya ito sa harapan ng hari. Nasaksihan din ito ng mga prinsipe, ni Zadok na pari, ni Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng angkan ng mga pari at Levita. Isang sambahayan ng mga pari ang inilista sa panig ni Eleazar at isa rin kay Itamar.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At si Semeias na anak ni Nathanael na kalihim, na sa mga Levita ay isinulat sila sa harapan ng hari, at ng mga prinsipe, at si Sadoc na saserdote, at ni Ahimelech na anak ni Abiathar, at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote, at ng mga Levita: isang sangbahayan ng mga magulang ay kinuha para sa kay Eleazar, at isa'y kinuha para sa kay Ithamar.