1 Chronicles 28:2 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At tumayo si Haring David at nagsabi, "Pakinggan ninyo ako, mga kapatid ko, at bayan ko. Nasa aking puso na ipagtayo ng isang bahay na pahingahan ang kaban ng tipan ng PANGINOON, upang maging tuntungan ng mga paa ng ating Diyos; at ako'y naghanda para sa pagtatayo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang nagtitipon na sila, tumayo si David at sinabi, “Makinig kayo, aking mga kapatid at tauhan. Gusto ko sanang magpatayo ng templo para paglagyan ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na ating Dios, upang magkaroon ng tungtungan ang kanyang mga paa. At nakapagplano na ako para sa pagpapatayo nito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Nang magkagayoy tumayo si David na hari sa kaniyang mga paa, at nagsabi, Dinggin ninyo ako: mga kapatid ko, at bayan ko sa ganang akin, na sa aking puso ang ipagtayo ng isang bahay na pahingahan ang kaban ng tipan ng Panginoon, at upang tungtungan ng mga paa ng ating Dios; at akoy humanda sa pagtatayo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang naroon na ang lahat, tumayo siya at nagsalita, “Mga kapatid at mga kababayan, matagal ko nang minimithi na magtayo ng isang permanenteng tahanan para sa Kaban ng Tipan na siyang tuntungan ng Diyos nating si Yahweh. Inihanda ko na ang lahat ng kailangan upang maitayo ito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang naroon na ang lahat, tumayo siya at nagsalita, “Mga kapatid at mga kababayan, matagal ko nang minimithi na magtayo ng isang permanenteng tahanan para sa Kaban ng Tipan na siyang tuntungan ng Diyos nating si Yahweh. Inihanda ko na ang lahat ng kailangan upang maitayo ito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nang naroon na ang lahat, tumayo siya at nagsalita, “Mga kapatid at mga kababayan, matagal ko nang minimithi na magtayo ng isang permanenteng tahanan para sa Kaban ng Tipan na siyang tuntungan ng Diyos nating si Yahweh. Inihanda ko na ang lahat ng kailangan upang maitayo ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y tumayo si David na hari sa kaniyang mga paa, at nagsabi, Dinggin ninyo ako: mga kapatid ko, at bayan ko sa ganang akin, na sa aking puso ang ipagtayo ng isang bahay na pahingahan ang kaban ng tipan ng Panginoon, at upang tungtungan ng mga paa ng ating Dios; at ako'y humanda sa pagtatayo.