1 Chronicles 5:1 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagkat siya ang panganay; ngunit dahil kanyang dinungisan ang higaan ng kanyang ama, ang kanyang karapatan ng pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; kaya't siya'y hindi nakatala sa talaan ng lahi ayon sa pagkapanganay;
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Si Reuben ang panganay na anak ni Israel, pero dahil nakipagtalik siya sa isa sa mga asawa ng kanyang ama, ang karapatan niya bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na kanyang kapatid. Kaya hindi siya inilista sa talaan ng lahi nila bilang panganay na anak.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagkat siya ang panganay; ngunit sa paraang kaniyang dinumhan ang higaan ng kaniyang ama, ang kaniyang pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; at sa talaan ng lahi ay hindi marapat ibilang ayon sa pagkapanganay.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ito ang mga anak ni Ruben, ang panganay ni Jacob. (Kahit na siya'y panganay, inalisan siya ng karapatan ng pagkapanganay sapagkat dinungisan niya ang dangal ng kanyang ama. Ang karapatang ito'y ibinigay sa mga anak ni Jose, na anak ni Jacob.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ito ang mga anak ni Ruben, ang panganay ni Jacob. (Kahit na siya'y panganay, inalisan siya ng karapatan ng pagkapanganay sapagkat dinungisan niya ang dangal ng kanyang ama. Ang karapatang ito'y ibinigay sa mga anak ni Jose, na anak ni Jacob.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ito ang mga anak ni Ruben, ang panganay ni Jacob. (Kahit na siya'y panganay, inalisan siya ng karapatan ng pagkapanganay sapagkat dinungisan niya ang dangal ng kanyang ama. Ang karapatang ito'y ibinigay sa mga anak ni Jose, na anak ni Jacob.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagka't siya ang panganay; nguni't sa paraang kaniyang dinumhan ang higaan ng kaniyang ama, ang kaniyang pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; at sa talaan ng lahi ay hindi marapat ibilang ayon sa pagkapanganay.