1 Chronicles 5:20 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang sila'y makatanggap ng tulong laban sa kanila, ang mga Hagrita at ang lahat sa kasama nila ay ibinigay sa kanilang kamay sapagkat sila'y nanalangin sa Diyos sa pakikipaglaban. At kanyang ipinagkaloob sa kanila ang kanilang hiling sapagkat sila'y nagtiwala sa kanya.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Humingi sila ng tulong sa Dios nang nakipaglaban sila, at dahil nagtiwala sila sa kanya, tinugon ng Dios ang panalangin nila. Kaya pinagtagumpay sila ng Dios sa mga Hagreo at sa mga kakampi nito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At silay tinulungan sa pakikilaban sa kanila, at ang mga Hagreo ay ibinigay sa kanilang kamay, at ang lahat sa nangasa kanila: sapagkat silay nagsidalangin sa Dios sa pagbabaka, at kaniyang inayunan sila; sapagkat silay naglagak ng kanilang tiwala sa kaniya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagtitiwala sila sa Diyos at laging nananalangin sa kanya. Dinirinig naman sila at laging tinutulungan. Dahil dito'y nalupig nila ang kanilang mga kaaway.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagtitiwala sila sa Diyos at laging nananalangin sa kanya. Dinirinig naman sila at laging tinutulungan. Dahil dito'y nalupig nila ang kanilang mga kaaway.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nagtitiwala sila sa Diyos at laging nananalangin sa kanya. Dinirinig naman sila at laging tinutulungan. Dahil dito'y nalupig nila ang kanilang mga kaaway.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sila'y tinulungan sa pakikilaban sa kanila, at ang mga Hagreo ay ibinigay sa kanilang kamay, at ang lahat sa nangasa kanila: sapagka't sila'y nagsidalangin sa Dios sa pagbabaka, at kaniyang inayunan sila; sapagka't sila'y naglagak ng kanilang tiwala sa kaniya.