1 Chronicles 9:13 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
bukod sa kanilang mga kapatid, mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang, na isang libo at pitong daan at animnapu. Sila'y mga lalaking may kakayahan sa gawaing paglilingkod sa bahay ng Diyos.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang mga pari na nakabalik ay 1,760 lahat. Mahuhusay silang pinuno ng kanilang mga pamilya. Sila ang mga pinagkatiwalaan sa paglilingkod sa templo ng Dios.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang kanilang mga kapatid, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na isang libo at pitong daan at anim na pu; na mga lalaking totoong bihasa sa gawaing paglilingkod sa bahay ng Dios.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang mga ito'y pinuno ng kani-kanilang sambahayan, pawang may kakayahan sa paglilingkod sa Templo at ang bilang nila ay umaabot sa 1,760.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang mga ito'y pinuno ng kani-kanilang sambahayan, pawang may kakayahan sa paglilingkod sa Templo at ang bilang nila ay umaabot sa 1,760.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang mga ito'y pinuno ng kani-kanilang sambahayan, pawang may kakayahan sa paglilingkod sa Templo at ang bilang nila ay umaabot sa 1,760.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)