1 Chronicles 9:19 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Si Shallum na anak ni Kora, na anak ni Abiasat, na anak ni Kora, at ang kanyang mga kapatid, sa sambahayan ng kanyang magulang, ang mga Korahita, ang namamahala sa gawaing paglilingkod, mga tagapag-bantay ng mga pintuang-daan ng tolda, kung paanong ang kanilang mga ninuno ay mga tagapamahala sa kampo ng PANGINOON, na mga bantay ngpasukan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Si Shalum ay anak ni Kore at apo ni Ebiasaf, na mula sa pamilya ni Kora. Si Shalum at ang kanyang mga kamag-anak na mula sa angkan ni Kora ang pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng Tolda katulad ng kanilang mga ninuno na pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng bahay ng Panginoon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At si Sallum na anak ni Core, na anak ni Abiasath, na anak ni Corah, at ang kaniyang mga kapatid, sa sangbahayan ng kaniyang magulang, ang mga Koraita ay nangamamahala sa gawaing paglilingkod, na mga tagapagingat ng mga pintuang-daan ng tabernakulo; at ang kanilang mga magulang ay nangapasa kampamento ng Panginoon, na mga tagapagingat ng pasukan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Si Sallum ay anak ni Korah at apo ni Ebiasaf na anak ni Korah. Kasama nila ang iba pang mula sa angkan ni Korah. Sila ang nakakaalam sa pagpasok sa Templo, gaya ng kanilang mga ninuno noong sila pa ang namahala sa kampo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Si Sallum ay anak ni Korah at apo ni Ebiasaf na anak ni Korah. Kasama nila ang iba pang mula sa angkan ni Korah. Sila ang nakakaalam sa pagpasok sa Templo, gaya ng kanilang mga ninuno noong sila pa ang namahala sa kampo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Si Sallum ay anak ni Korah at apo ni Ebiasaf na anak ni Korah. Kasama nila ang iba pang mula sa angkan ni Korah. Sila ang nakakaalam sa pagpasok sa Templo, gaya ng kanilang mga ninuno noong sila pa ang namahala sa kampo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)