1 Corinthians 14:20 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Mga kapatid, huwag kayong mag-isip bata; sa kasamaan ay maging sanggol kayo, ngunit sa pag-iisip ay maging husto na sa gulang.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Mga kapatid, kung tungkol sa mga bagay na ito, huwag kayong mag-isip-bata. Kung sa masasamang bagay, maging tulad kayo ng mga batang walang malay sa kasamaan. Ngunit sa pang-unawa, mag-isip matanda kayo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Mga kapatid, huwag kayong mangagpakabata sa pagiisip; gayon may sa kahalayan ay mangagpakasanggol kayo, datapuwat sa pagiisip kayoy mangagpakatao.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mga kapatid, huwag kayong maging isip-bata. Maging tulad kayo ng mga batang walang malay kung tungkol sa kasamaan, ngunit sa inyong pang-unawa, maging tulad kayo ng matatanda.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mga kapatid, huwag kayong maging isip-bata. Maging tulad kayo ng mga batang walang malay kung tungkol sa kasamaan, ngunit sa inyong pang-unawa, maging tulad kayo ng matatanda.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mga kapatid, huwag kayong maging isip-bata. Maging tulad kayo ng mga batang walang muwang sa kasamaan, ngunit maging tulad kayo ng matatanda sa inyong pang-unawa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Mga kapatid, huwag kayong mangagpakabata sa pagiisip; gayon ma'y sa kahalayan ay mangagpakasanggol kayo, datapuwa't sa pagiisip kayo'y mangagpakatao.