1 Corinthians 14:22 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya nga, ang mga wika ay tanda, hindi para sa mga sumasampalataya, kundi sa mga hindi mananampalataya. Subalit ang propesiya ay hindi sa mga hindi mananampalataya, kundi sa mga sumasampalataya.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wika na hindi natutunan ay isang tanda, hindi para sa mga mananampalataya, kundi para sa mga hindi mananampalataya. Ngunit ang pagpapahayag ng mensahe ng Dios ay para sa mga mananampalataya, hindi sa mga di-mananampalataya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kaya nga ang mga wika ay pinaka tanda, hindi sa mga nagsisisampalataya; kundi sa mga hindi nagsisisampalataya; ngunit ang panghuhula ay hindi sa mga hindi nagsisisampalataya, kundi sa mga nagsisisampalataya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kung gayon, ang kaloob na makapagsalita sa iba't ibang mga wika ay isang palatandaan para sa mga di sumasampalataya, hindi para sa mga mananampalataya. Ngunit ang kaloob na makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos ay palatandaan para sa mga mananampalataya at hindi sa mga di sumasampalataya.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kung gayon, ang kaloob na makapagsalita sa iba't ibang mga wika ay isang palatandaan para sa mga di sumasampalataya, hindi para sa mga mananampalataya. Ngunit ang kaloob na makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos ay palatandaan para sa mga mananampalataya at hindi sa mga di sumasampalataya.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kung gayon, ang kaloob na makapagsalita sa iba't ibang mga wika ay isang himala para sa mga hindi sumasampalataya at hindi para sa mga mananampalataya. Ngunit ang kaloob na makapagsalita ng mensahe mula sa Diyos ay himala para sa mga sumasampalataya at hindi sa mga di-mananampalataya.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kaya nga ang mga wika ay pinaka tanda, hindi sa mga nagsisisampalataya; kundi sa mga hindi nagsisisampalataya; nguni't ang panghuhula ay hindi sa mga hindi nagsisisampalataya, kundi sa mga nagsisisampalataya.