1 Corinthians 14:25 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagkatapos na mabunyag ang mga lihim ng kanyang puso, ang taong iyon ay yuyukod, at kanyang sasambahin ang Diyos at ipahahayag, "Tunay na kasama ninyo ang Diyos."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Maging ang mga lihim ng kanyang puso ay maihahayag, at dahil dito, siyaʼy magpapatirapa sa pagsisisi at sasamba sa Dios, at masasabi niyang ang Dios ay talagang nasa piling ninyo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang mga lihim ng kaniyang puso ay nahahayag; at sa gayoy magpapatirapa siya at sasamba sa Dios, na sasabihing tunay ngang ang Dios ay nasa gitna ninyo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
at malalaman niya ang mga lihim ng kanyang puso. Kaya't luluhod siya, sasamba sa Diyos, at sasabihing, “Talagang ang Diyos ay nasa inyo.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
at malalaman niya ang mga lihim ng kanyang puso. Kaya't luluhod siya, sasamba sa Diyos, at sasabihing, “Talagang ang Diyos ay nasa inyo.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
at mabubunyag ang mga lihim ng kanyang puso. Kaya't luluhod siya, sasamba sa Diyos, at sasabihin niyang tunay ngang kasama ninyo ang Diyos.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang mga lihim ng kaniyang puso ay nahahayag; at sa gayo'y magpapatirapa siya at sasamba sa Dios, na sasabihing tunay ngang ang Dios ay nasa gitna ninyo.