1 Corinthians 14:37 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kung iniisip ng sinuman na siya'y propeta, o taong espirituwal, dapat niyang kilalanin na ang aking isinusulat sa inyo ay utos ng Panginoon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kung mayroon sa inyong nag-aakala na may kakayahan siyang magpahayag ng mensahe ng Dios o sumasakanya ang Banal na Espiritu, dapat din niyang kilalanin na ang mga sinusulat ko sa inyoʼy utos mismo ng Panginoon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kung iniisip ninoman na siyay propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyoy isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kung inaakala ninuman na siya'y tumanggap ng pahayag mula sa Diyos, o anumang kaloob ng Espiritu, dapat niyang kilalanin na ang isinusulat ko sa inyo ay utos ng Panginoon.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kung inaakala ninuman na siya'y tumanggap ng pahayag mula sa Diyos, o anumang kaloob ng Espiritu, dapat niyang kilalanin na ang isinusulat ko sa inyo ay utos ng Panginoon.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kung inaakala ninuman na siya'y propeta, o mayroong espirituwal na kaloob, dapat niyang kilalanin na ang isinusulat ko sa inyo ay utos ng Panginoon.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.