1 Corinthians 14:39 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya, mga kapatid ko, masikap ninyong naisin na makapagsalita ng propesiya at huwag ninyong ipagbawal ang pagsasalita ng mga wika.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya mga kapatid, pakahangarin ninyong makapagpahayag kayo ng mensahe ng Dios, at huwag ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kaya nga, mga kapatid ko, maningas na pakanasain ninyong makapanghula, at huwag ninyong ipagbawal ang magsalita ng mga wika.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya, mga kapatid ko, hangarin ninyo na makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, ngunit huwag naman ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa iba't ibang mga wika.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya, mga kapatid ko, hangarin ninyo na makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, ngunit huwag naman ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa iba't ibang mga wika.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kaya, mga kapatid ko, hangarín ninyo na makapagsalita ng mensahe mula sa Diyos, ngunit huwag naman ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa iba't ibang mga wika.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kaya nga, mga kapatid ko, maningas na pakanasain ninyong makapanghula, at huwag ninyong ipagbawal ang magsalita ng mga wika.