1 Corinthians 4:6 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Mga kapatid, ang mga bagay na ito ay ginamit kong halimbawa sa aking sarili at kay Apolos para sa inyo, upang sa pamamagitan namin ay matuto kayo na huwag lumampas sa mga bagay na nakasulat, upang sinuman sa inyo ay huwag magmataas laban sa iba.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Mga kapatid, ginamit kong halimbawa ang aking sarili at si Apolos upang matutunan ninyo ang ibig sabihin ng kasabihang, “Huwag ninyong higitan ang sinasabi ng Kasulatan.” Kaya huwag ninyong ipagmalaki ang isa at sabihing mas mabuti siya kaysa sa iba.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mga kapatid, kami ni Apolos ang ginamit kong halimbawa para sa inyong kapakinabangan, upang matutuhan ninyo ang kahulugan ng kasabihang, “Sumunod kayo sa patakaran.” Huwag ninyong ipagmamalaki ang isang tao kung hahamakin lamang naman ninyo ang iba.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mga kapatid, kami ni Apolos ang ginamit kong halimbawa para sa inyong kapakinabangan, upang matutuhan ninyo ang kahulugan ng kasabihang, “Sumunod kayo sa patakaran.” Huwag ninyong ipagmamalaki ang isang tao kung hahamakin lamang naman ninyo ang iba.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mga kapatid, kami ni Apolos ang ginamit kong halimbawa para sa inyong kapakinabangan, upang matutuhan ninyo ang kahulugan ng kasabihang, “Huwag lalampas sa nasusulat.” Huwag ninyong ipagmalaki ang isang tao upang hamakin ang iba.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)