1 Corinthians 4:8 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kayo ay mga busog na, kayo ay mayayaman na, kayo ay naging mga hari nang wala kami. Ibig ko sanang kayo ay maging hari upang kami rin ay maging haring kasama ninyo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Inaakala ninyo na nasa inyo na ang lahat ng inyong kailangan, na mayayaman na kayo at naghahari na sa kaharian ng Dios nang wala kami. Sana ngaʼy naghahari na kayo nang makapaghari naman kaming kasama ninyo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kayoy mga busog na, kayoy mayayaman na, kayoy nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami namay mangagharing kasama ninyo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kayo pala'y nasisiyahan na! Mayayaman na pala kayo! Kayo pala'y naghahari na kahit hindi kami tumulong sa inyo. Sana nga'y naging hari na kayo upang kami man ay maghari ding kasama ninyo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kayo pala'y nasisiyahan na! Mayayaman na pala kayo! Kayo pala'y naghahari na kahit hindi kami tumulong sa inyo. Sana nga'y naging hari na kayo upang kami man ay maghari ding kasama ninyo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kayo pala'y nasisiyahan na! Mayayaman na pala kayo! Kayo pala'y mga hari na, at kami'y hindi. Sana nga'y naging hari na kayo upang kami man ay maghari ding kasama ninyo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kayo'y mga busog na, kayo'y mayayaman na, kayo'y nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami nama'y mangagharing kasama ninyo.