1 Corinthians 5:1 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sa katunayan ay nababalita na may pakikiapid sa inyo, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga pagano; sapagkat ang isang lalaki ay nakikipisan sa asawa ng kanyang ama.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
May nagbalita sa akin na mayroon diyan sa inyo na gumagawa ng sekswal na imoralidad – kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Itoʼy masahol pa sa ginagawa ng mga taong hindi kumikilala sa Dios, dahil maging sila ay hindi gumagawa nito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa kasalukuyay nababalita na sa inyoy may pakikiapid, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil, na isa sa inyoy nagaari ng asawa ng kaniyang ama.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nakarating nga sa akin ang balitang mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng imoralidad; kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit mga pagano ay hindi gumagawa ng ganyang kahalayan!
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nakarating nga sa akin ang balitang mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng imoralidad; kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit mga pagano ay hindi gumagawa ng ganyang kahalayan!
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nakarating nga sa akin ang balitang mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng imoralidad; kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit mga pagano ay hindi gumagawa ng ganyang kahalayan!
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa kasalukuya'y nababalita na sa inyo'y may pakikiapid, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil, na isa sa inyo'y nagaari ng asawa ng kaniyang ama.