1 Corinthians 6:1 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kapag ang sinuman sa inyo ay may reklamo laban sa isang kapatid, mangangahas ba siyang magsakdal sa harapan ng mga masasama at hindi sa harapan ng mga banal?
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kapag may reklamo ang isa sa inyo laban sa kanyang kapatid, bakit dinadala niya ito sa hukom na hindi sumasampalataya sa Dios? Dapat dalhin niya ito sa mga sumasampalataya sa Dios
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siyay magsakdal sa harapan ng mga liko, at hindi sa harapan ng mga banal?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kung may reklamo ang sinuman sa inyo laban sa kapwa Cristiano, bakit siya nagsasakdal sa mga hukom na hindi Cristiano, sa halip na ipaubaya sa mga hinirang ng Diyos ang pag-aayos ng usapin nila?
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kung may reklamo ang sinuman sa inyo laban sa kapwa Cristiano, bakit siya nagsasakdal sa mga hukom na hindi Cristiano, sa halip na ipaubaya sa mga hinirang ng Diyos ang pag-aayos ng usapin nila?
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kung may reklamo ang sinuman sa inyo laban sa kanyang kapatid sa pananampalataya, bakit siya nagsasakdal sa mga hukom na di-mananampalataya, sa halip na ipaubaya sa mga hinirang ng Diyos ang pag-aayos ng usapin nila?
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko, at hindi sa harapan ng mga banal?