1 Corinthians 6:13 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
"Ang pagkain ay para sa tiyan, at ang tiyan ay para sa pagkain," ngunit ito at ang mga iyon ay wawasakin ng Diyos. Gayunman ang katawan ay hindi para sa pakikiapid, kundi para sa Panginoon, at ang Panginoon ay para sa katawan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Maaari rin namang sabihin ng iba, “Ang pagkain ay ginawa para sa tiyan at ang tiyan ay para sa pagkain.” Totoo iyan, ngunit darating ang araw na pareho itong sisirain ng Dios. Ang katawan ay hindi para sa sekswal na imoralidad kundi para sa paglilingkod sa Dios; at ang Dios ang nag-iingat nito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang mga pagkain ay sa tiyan, at ang tiyan ay sa mga pagkain: ngunit kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito. Datapuwat ang katawan ay hindi sa pakikiapid, kundi sa Panginoon; at ang Panginoon ay sa katawan:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sasabihin naman ng iba, “Ang mga pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay sa mga pagkain.” Totoo iyan, ngunit parehong sisirain ng Diyos ang mga ito. Ang katawan ay hindi para sa pakikiapid sapagkat ito'y para sa paglilingkod sa Panginoon, at ang Panginoon naman ang nag-aalaga sa katawan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sasabihin naman ng iba, “Ang mga pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay sa mga pagkain.” Totoo iyan, ngunit parehong sisirain ng Diyos ang mga ito. Ang katawan ay hindi para sa pakikiapid sapagkat ito'y para sa paglilingkod sa Panginoon, at ang Panginoon naman ang nag-aalaga sa katawan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sasabihin naman ng iba, “Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay para sa pagkain.” Totoo iyan, ngunit parehong sisirain ng Diyos ang mga ito. Ang katawan ay hindi para sa imoralidad sapagkat ito'y para sa paglilingkod sa Panginoon, at ang Panginoon naman ang nag-aalaga sa katawan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang mga pagkain ay sa tiyan, at ang tiyan ay sa mga pagkain: nguni't kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito. Datapuwa't ang katawan ay hindi sa pakikiapid, kundi sa Panginoon; at ang Panginoon ay sa katawan: