1 John 4:17 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Dito'y naging ganap ang pag-ibig sa atin upang tayo'y magkaroon ng lubos na pagtitiwala sa araw ng paghuhukom; sapagkat kung ano siya, ay gayundin naman tayo sa sanlibutang ito.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sa ganitong paraan ay naging ganap ang pag-ibig sa atin, kaya panatag tayo sa pagdating ng Araw ng Paghuhukom, dahil ang pamumuhay natin dito sa mundo ay tulad ng kay Cristo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ditoy naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayoy magkaroon ng pagkakatiwala sa araw ng paghuhukom; sapagkat kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin kaya't hindi natin kinatatakutan ang Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo'y tulad ni Cristo, kahit nasa daigdig pang ito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin kaya't hindi natin kinatatakutan ang Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo'y tulad ni Cristo, kahit nasa daigdig pang ito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin kaya't panatag ang ating kalooban para sa Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo'y tulad ni Cristo, kahit nasa daigdig pang ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito.