1 Kings 11:21 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang mabalitaan ni Hadad sa Ehipto na si David ay natulog na kasama ng kanyang mga ninuno, at si Joab na pinuno ng hukbo ay namatay na, sinabi ni Hadad kay Faraon, "Payagan mong humayo ako upang makauwi sa aking sariling lupain."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang naroon na si Hadad sa Egipto, nabalitaan niya na patay na si David at si Joab na kumander ng mga sundalo. Sinabi ni Hadad sa Faraon, “Hayaan nʼyo na po akong umuwi sa aking bansa.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nang mabalitaan ni Adad sa Egipto na si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at si Joab na puno ng hukbo ay namatay, sinabi ni Adad kay Faraon, Payaunin mo ako, upang akoy makauwi sa aking sariling lupain.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang mabalitaan ni Hadad na patay na si David at pati na rin si Joab, ang pinuno ng hukbo ng Israel, nagpaalam siya sa Faraon. “Ipahintulot po ninyong umuwi ako sa aming bayan,” wika niya.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang mabalitaan ni Hadad na patay na si David at pati na rin si Joab, ang pinuno ng hukbo ng Israel, nagpaalam siya sa Faraon. “Ipahintulot po ninyong umuwi ako sa aming bayan,” wika niya.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nang mabalitaan ni Hadad na patay na si David at pati na rin si Joab, ang pinuno ng hukbo ng Israel, nagpaalam siya sa Faraon. “Ipahintulot po ninyong umuwi ako sa aming bayan,” wika niya.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nang mabalitaan ni Adad sa Egipto na si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at si Joab na puno ng hukbo ay namatay, sinabi ni Adad kay Faraon, Payaunin mo ako, upang ako'y makauwi sa aking sariling lupain.