1 Kings 15:23 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang iba pa sa lahat ng mga gawa ni Asa, ang kanyang buong kapangyarihan, at ang lahat niyang ginawa, at ang mga lunsod na kanyang itinayo, hindi ba nasusulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Kasaysayan ng mga hari ng Juda? Ngunit sa panahon ng kanyang katandaan, nagkaroon ng karamdaman ang kanyang mga paa.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Asa, at ang kanyang mga tagumpay at ang lahat ng kanyang mga ginawa, pati na ang mga lungsod na ipinatayo niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. Nang matanda na si Asa, nagkasakit siya sa paa.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang iba nga sa lahat na gawa ni Asa, at sa kaniyang buong kapangyarihan, at ang lahat niyang ginawa, at ang mga bayan na kaniyang itinayo, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? Ngunit sa panahon ng kaniyang katandaan, siyay nagkasakit sa kaniyang mga paa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang iba pang ginawa ni Haring Asa, ang kanyang kagitingan at mga bayang pinagawan niya ng kuta ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Juda. Ngunit nang siya'y matanda na, nalumpo siya dahil sa karamdaman sa paa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang iba pang ginawa ni Haring Asa, ang kanyang kagitingan at mga bayang pinagawan niya ng kuta ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Juda. Ngunit nang siya'y matanda na, nalumpo siya dahil sa karamdaman sa paa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang iba pang ginawa ni Haring Asa, ang kanyang kagitingan at mga bayang pinagawan niya ng kuta ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Juda. Ngunit nang siya'y matanda na, nalumpo siya dahil sa karamdaman sa paa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang iba nga sa lahat na gawa ni Asa, at sa kaniyang buong kapangyarihan, at ang lahat niyang ginawa, at ang mga bayan na kaniyang itinayo, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? Nguni't sa panahon ng kaniyang katandaan, siya'y nagkasakit sa kaniyang mga paa.