1 Kings 20:32 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't sila'y naglagay ng bigkis na sako sa kanilang mga balakang, at ng mga lubid sa kanilang mga leeg. Pumunta sila sa hari ng Israel, at nagsabi, "Sinasabi ng iyong lingkod na si Ben-hadad, 'Hinihiling ko sa iyo, hayaan mo akong mabuhay.'" At sinabi niya, "Siya ba'y buhay pa? Siya'y aking kapatid."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya nagsuot sila ng sako at tinalian nila ng lubid ang kanilang ulo. Pagkatapos, pumunta sila sa hari ng Israel, at sinabi, “Ang inyo pong lingkod na si Ben Hadad ay humihiling na kung maaari, huwag nʼyo siyang patayin.” Sumagot ang hari, “Buhay pa pala siya? Para ko na siyang kapatid.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa gayoy nagsipagbigkis sila ng magaspang na kayo sa kanilang mga balakang, at mga lubid sa kanilang mga leeg, at nagsiparoon sa hari ng Israel, at nagsipagsabi, Sinasabi ng iyong lingkod na si Ben-adad, Isinasamo ko sa iyo, na tulutan mong akoy mabuhay. At sinabi niya, Siya bay buhay pa? siyay aking kapatid.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At ganoon nga ang ginawa nila. Humarap sila sa hari ng Israel at nagmakaawa. “Hinihiling po ng inyong aliping si Ben-hadad na huwag na ninyo siyang patayin.” “Buháy pa ba siya? Buháy pa ba ang kapatid kong hari?” tanong ng hari ng Israel.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At ganoon nga ang ginawa nila. Humarap sila sa hari ng Israel at nagmakaawa. “Hinihiling po ng inyong aliping si Ben-hadad na huwag na ninyo siyang patayin.” “Buháy pa ba siya? Buháy pa ba ang kapatid kong hari?” tanong ng hari ng Israel.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At ganoon nga ang ginawa nila. Humarap sila sa hari ng Israel at nagmakaawa. “Hinihiling po ng inyong aliping si Ben-hadad na huwag na ninyo siyang patayin.” “Buháy pa ba siya? Buháy pa ba ang kapatid kong hari?” tanong ng hari ng Israel.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa gayo'y nagsipagbigkis sila ng magaspang na kayo sa kanilang mga balakang, at mga lubid sa kanilang mga leeg, at nagsiparoon sa hari ng Israel, at nagsipagsabi, Sinasabi ng iyong lingkod na si Ben-adad, Isinasamo ko sa iyo, na tulutan mong ako'y mabuhay. At sinabi niya, Siya ba'y buhay pa? siya'y aking kapatid.