1 Kings 22:12 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Gayundin ang ipinahayag ng lahat ng propeta, na nagsasabi, "Umahon ka sa Ramot-gilead at magtagumpay ka, sapagkat ibibigay iyon ng PANGINOON sa kamay ng hari."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ganito rin ang sinabi ng lahat ng propeta. Sinabi nila, “Haring Ahab, lusubin nʼyo ang Ramot Gilead, at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo ng Panginoon.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang lahat na propeta ay nagsisipanghulang gayon, na nagsisipagsabi, Umahon ka sa Ramoth-galaad, at guminhawa ka: sapagkat ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ganoon din ang sinabi ng iba pang propeta. Sabi nila, “Mahal na hari, salakayin po ninyo ang Ramot-gilead at matatalo ninyo sila. Magtatagumpay kayo sa tulong ni Yahweh.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ganoon din ang sinabi ng iba pang propeta. Sabi nila, “Mahal na hari, salakayin po ninyo ang Ramot-gilead at matatalo ninyo sila. Magtatagumpay kayo sa tulong ni Yahweh.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ganoon din ang sinabi ng iba pang propeta. Sabi nila, “Mahal na hari, salakayin po ninyo ang Ramot-gilead at matatalo ninyo sila. Magtatagumpay kayo sa tulong ni Yahweh.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang lahat na propeta ay nagsisipanghulang gayon, na nagsisipagsabi, Umahon ka sa Ramoth-galaad, at guminhawa ka: sapagka't ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari.