1 Kings 3:2 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang taong-bayan ay naghahandog sa matataas na dako, sapagkat wala pang bahay na naitayo sa pangalan ng PANGINOON hanggang sa mga araw na iyon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Wala pang templo noon para sa Panginoon, kaya ang mga tao ay naghahandog sa mga sambahan sa matataas na lugar.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang bayan ay naghahain lamang sa mga mataas na dako, sapagkat walang bahay na itinayo sa pangalan ng Panginoon hanggang sa mga araw na yaon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit ang mga taong-bayan ay patuloy pang nag-aalay ng kanilang mga handog sa Diyos sa mga sagradong burol, sapagkat wala pa noong naitatayong bahay sambahan para kay Yahweh.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit ang mga taong-bayan ay patuloy pang nag-aalay ng kanilang mga handog sa Diyos sa mga sagradong burol, sapagkat wala pa noong naitatayong bahay sambahan para kay Yahweh.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit ang mga taong-bayan ay patuloy pang nag-aalay ng kanilang mga handog sa Diyos sa mga sagradong burol, sapagkat wala pa noong naitatayong bahay sambahan para kay Yahweh.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang bayan ay naghahain lamang sa mga mataas na dako, sapagka't walang bahay na itinayo sa pangalan ng Panginoon hanggang sa mga araw na yaon.