1 Kings 7:23 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagkatapos ay gumawa siya ng hinulmang tangke ng tubig. Ito ay bilog na sampung siko mula sa labi hanggang sa kabilang labi, ang taas ay limang siko; at isang panukat na tali na may tatlumpung siko ang pabilog nito.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, gumawa si Huram ng malaking lalagyan ng tubig na parang kawa, na tinatawag na Dagat. Ang lalim nito ay pitoʼt kalahating talampakan, ang luwang ay 15 talampakan at ang sukat sa paligid ay 45 talampakan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kaniyang ginawa ang binubong dagatdagatan na may sangpung siko mula sa labit labi, na lubos na mabilog, at ang taas ay limang siko: at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko ang maipalilibid sa palibot.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Gumawa si Hiram ng isang malaking ipunan ng tubig apat at kalahating metro ang luwang ng labi nito, dalawa't kalahating metro ang lalim at labing-tatlo't kalahating metro naman ang sukat sa pabilog.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Gumawa si Hiram ng isang malaking ipunan ng tubig apat at kalahating metro ang luwang ng labi nito, dalawa't kalahating metro ang lalim at labing-tatlo't kalahating metro naman ang sukat sa pabilog.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Gumawa si Hiram ng isang malaking ipunan ng tubig apat at kalahating metro ang luwang ng labi nito, dalawa't kalahating metro ang lalim at labingtatlo't kalahating metro naman ang sukat sa pabilog.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At kaniyang ginawa ang binubong dagatdagatan na may sangpung siko mula sa labi't labi, na lubos na mabilog, at ang taas ay limang siko: at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko ang maipalilibid sa palibot.