1 Kings 8:20 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngayon ay tinupad ng PANGINOON ang salitang kanyang sinabi, sapagkat ako'y bumangong kapalit ni David na aking ama, at nakaupo sa trono ng Israel, gaya ng ipinangako ng PANGINOON, at nagtayo ako ng bahay para sa pangalan ng PANGINOON, ang Diyos ng Israel.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
“Tinupad ng Panginoon ang kanyang ipinangako. Ako ang pumalit sa aking amang si David bilang hari ng Israel, ayon sa ipinangako ng Panginoon. At ipinatayo ko ang templo para parangalan ang Panginoon, ang Dios ng Israel.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At pinagtibay ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita: sapagkat akoy bumangon na kahalili ni David na aking ama, at nakaupo sa luklukan ng Israel, gaya ng ipinangako ng Panginoon, at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Natupad ngayon ang pangako ni Yahweh. Humalili ako sa aking amang si David at naupo sa trono ng Israel, gaya ng ipinangako niya. Naitayo ko na ang Templo para sa ikararangal ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Natupad ngayon ang pangako ni Yahweh. Humalili ako sa aking amang si David at naupo sa trono ng Israel, gaya ng ipinangako niya. Naitayo ko na ang Templo para sa ikararangal ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Natupad ngayon ang pangako ni Yahweh. Humalili ako sa aking amang si David at naupo sa trono ng Israel, gaya ng ipinangako niya. Naitayo ko na ang Templo para sa ikararangal ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At pinagtibay ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita: sapagka't ako'y bumangon na kahalili ni David na aking ama, at nakaupo sa luklukan ng Israel, gaya ng ipinangako ng Panginoon, at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel.