1 Kings 8:28 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Gayunma'y iyong pahalagahan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kanyang samo, O PANGINOON kong Diyos, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harapan mo sa araw na ito;
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ngunit pakinggan ninyo ako na inyong lingkod sa aking pananalangin at pagsusumamo, O Panginoon na aking Dios. Pakinggan nʼyo ang panawagan at pananalangin ko sa inyong presensya ngayon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Gayon may iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Gayunman, pakinggan ninyo ang dalangin at pagsamo ng inyong alipin, O Yahweh, aking Diyos. Dinggin ninyo sa araw na ito ang panawagan ng inyong alipin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Gayunman, pakinggan ninyo ang dalangin at pagsamo ng inyong alipin, O Yahweh, aking Diyos. Dinggin ninyo sa araw na ito ang panawagan ng inyong alipin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Gayunman, pakinggan ninyo ang dalangin at pagsamo ng inyong alipin, O Yahweh, aking Diyos. Dinggin ninyo sa araw na ito ang panawagan ng inyong alipin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Gayon ma'y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito: