1 Peter 2:10 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Noon ay hindi kayo bayan, ngunit ngayo'y bayan kayo ng Diyos; noon ay hindi kayo tumanggap ng habag, ngunit ngayo'y tumanggap kayo ng habag.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Datiʼy hindi kayo mga taong sakop ng Dios, pero ngayon, mga sakop na niya kayo. Noon, hindi kayo kinaawaan ng Dios, pero ngayon, kinaawaan na niya kayo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Na nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwat ngayoy bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwat ngayoy nagsipagkamit ng awa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon, pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo'y tinatanggap na ninyo ang kanyang habag.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon, pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo'y tinatanggap na ninyo ang kanyang habag.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon ay hindi kayo nakatanggap ng habag, ngunit ngayo'y tumanggap na kayo ng kanyang habag.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Na nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa.