1 Peter 2:21 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat ukol dito kayo'y tinawag, sapagkat si Cristo man ay nagdusa alang-alang sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang sumunod kayo sa kanyang mga yapak.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang mga pagdurusa ni Cristo para sa atin ang halimbawang dapat nating tularan. Ito ang dahilan kung bakit tayo tinawag, para tularan natin ang buhay ni Cristo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat sa ganitong bagay kayoy tinawag: sapagkat si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayoy iniwanan ng halimbawa, upang kayoy mangagsisunod sa mga hakbang niya:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng isang halimbawang dapat tularan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng isang halimbawang dapat tularan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, nag-iwan siya sa inyo ng isang halimbawa na dapat ninyong lubos na tularan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya: