1 Peter 3:14 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Subalit magdusa man kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo. Huwag kayong matakot sa kanilang pananakot, ni mabahala,
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero kung usigin kayo dahil sa kabutihang ginagawa nʼyo, mapalad kayo. Huwag kayong matakot o mag-alala sa ano mang gawin nila sa inyo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo: at huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o huwag kayong mangagulo;
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At sakali mang usigin kayo dahil sa paggawa ng mabuti, mapalad pa rin kayo! Huwag ninyong katakutan ang kanilang kinatatakutan at huwag kayong padadala sa kanila.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At sakali mang usigin kayo dahil sa paggawa ng mabuti, mapalad pa rin kayo! Huwag ninyong katakutan ang kanilang kinatatakutan at huwag kayong padadala sa kanila.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At sakali mang usigin kayo dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, pinagpala kayo! Huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong mabagabag.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo: at huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o huwag kayong mangagulo;