1 Peter 4:14 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kung kayo'y inaalipusta dahil sa pangalan ni Cristo ay mapapalad kayo; sapagkat ang espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga tagasunod kayo ni Cristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kung kayoy mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mapalad kayo kung kayo'y kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng Diyos.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mapalad kayo kung kayo'y kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng Diyos.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pinagpala kayo kung kayo'y kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng Diyos.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kung kayo'y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka't ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.