1 Samuel 1:15 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit sumagot si Ana, "Hindi, panginoon ko. Ako'y isang babaing lubhang naguguluhan. Hindi ako nakainom ng alak o inuming nakakalasing, kundi aking ibinubuhos ang aking kaluluwa sa harapan ng PANGINOON.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sumagot si Hanna, “Hindi po ako lasing, at hindi po ako nakainom ng kahit anong klase ng inumin. Ibinubuhos ko lang po sa Panginoon ang paghihirap na aking nararamdaman.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sumagot si Ana, at nagsabi, Hindi, panginoon ko, akoy isang babae na may diwang mapanglaw: hindi ako nakainom ng alak o inuming nakalalasing, kundi aking inihayag ang aking kaluluwa sa harap ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Hindi po ako lasing,” sagot ni Ana. “Ni hindi po ako tumitikim ng alak. Ang damdamin ko po'y naghihirap at idinudulog ko kay Yahweh ang aking kalagayan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Hindi po ako lasing,” sagot ni Ana. “Ni hindi po ako tumitikim ng alak. Ang damdamin ko po'y naghihirap at idinudulog ko kay Yahweh ang aking kalagayan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Hindi po ako lasing,” sagot ni Ana. “Ni hindi po ako tumitikim ng alak. Ang damdamin ko po'y naghihirap at idinudulog ko kay Yahweh ang aking kalagayan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sumagot si Ana, at nagsabi, Hindi, panginoon ko, ako'y isang babae na may diwang mapanglaw: hindi ako nakainom ng alak o inuming nakalalasing, kundi aking inihayag ang aking kaluluwa sa harap ng Panginoon.