1 Samuel 19:13 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kumuha si Mical ng isang imahen at inihiga sa higaan at nilagyan sa ulunan ng isang unan na buhok ng kambing, at tinakpan iyon ng mga damit.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kumuha naman si Mical ng isang dios-diosan, at inihiga sa kama. Kinumutan niya ito, at binalot ng balahibo ng kambing ang ulo nito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kinuha ni Michal ang mga terap, at inihiga sa higaan at nilagyan sa ulunan ng isang unan na buhok ng kambing, at tinakpan ng mga kumot.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagkatapos, kinuha ni Mical ang isang rebultong nasa bahay at siyang inihiga sa kanilang higaan. Ang ulo nito'y binalutan niya ng balahibo ng kambing, saka kinumutan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagkatapos, kinuha ni Mical ang isang rebultong nasa bahay at siyang inihiga sa kanilang higaan. Ang ulo nito'y binalutan niya ng balahibo ng kambing, saka kinumutan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagkatapos, kinuha ni Mical ang isang rebultong nasa bahay at siyang inihiga sa kanilang higaan. Ang ulo nito'y binalutan niya ng balahibo ng kambing, saka kinumutan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)