1 Samuel 2:21 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Dinalaw ng PANGINOON si Ana at siya'y naglihi, at nagkaanak ng tatlong lalaki at dalawang babae. At ang batang si Samuel ay lumaki sa harapan ng PANGINOON.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kinahabagan ng Panginoon si Hanna. Nagkaanak pa siya ng tatlong lalaki at dalawang babae, habang si Samuel ay patuloy na lumalaking naglilingkod sa Panginoon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At dinalaw ng Panginoon si Ana, at siyay naglihi, at nagkaanak ng tatlong lalake at dalawang babae. At ang batang si Samuel ay lumalaki sa harap ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagkatotoo ang sinabi sa kanila ni Eli. Si Ana'y pinagpala ni Yahweh, at paglipas ng ilang taon siya'y nanganak pa ng tatlong lalaki at dalawang babae. Samantala, lumaki naman si Samuel sa paglilingkod kay Yahweh.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagkatotoo ang sinabi sa kanila ni Eli. Si Ana'y pinagpala ni Yahweh, at paglipas ng ilang taon siya'y nanganak pa ng tatlong lalaki at dalawang babae. Samantala, lumaki naman si Samuel sa paglilingkod kay Yahweh.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nagkatotoo ang sinabi sa kanila ni Eli. Si Ana'y pinagpala ni Yahweh, at paglipas ng ilang taon siya'y nanganak pa ng tatlong lalaki at dalawang babae. Samantala, lumaki naman si Samuel sa paglilingkod kay Yahweh.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At dinalaw ng Panginoon si Ana, at siya'y naglihi, at nagkaanak ng tatlong lalake at dalawang babae. At ang batang si Samuel ay lumalaki sa harap ng Panginoon.