1 Samuel 2:8 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kanyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, itinataas niya ang nangangailangan mula sa bunton ng abo, upang sila'y paupuing kasama ng mga pinuno, at magmana ng trono ng karangalan. Sapagkat ang mga haligi ng lupa ay sa PANGINOON, at sa mga iyon ay ipinatong niya ang sanlibutan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ibinabangon niya ang mga mahihirap sa kanilang kahirapan. Pinapaupo niya sila kasama ng mga maharlika at pinararangalan. Sa kanya ang pundasyon na kinatatayuan ng mundo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan, Upang silay palukluking kasama ng mga prinsipe, At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian: Sapagkat ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon, At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mapapadakila mo kahit ang pinakaaba, mahahango sa kahirapan kahit ang pinakadukha. Maihahanay mo sila sa mga maharlika, mabibigyan ng karangalan kahit na ang mga hampaslupa. Hawak mo ang langit na nilikha, at sa iyo nasasalig ang lahat ng iyong gawa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mapapadakila mo kahit ang pinakaaba, mahahango sa kahirapan kahit ang pinakadukha. Maihahanay mo sila sa mga maharlika, mabibigyan ng karangalan kahit na ang mga hampaslupa. Hawak mo ang langit na nilikha, at sa iyo nasasalig ang lahat ng iyong gawa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mapapadakila mo kahit ang pinakaaba, mahahango sa kahirapan kahit ang pinakadukha. Maihahanay mo sila sa mga maharlika, mabibigyan ng karangalan kahit na ang mga hampaslupa. Hawak mo ang langit na nilikha, at sa iyo nasasalig ang lahat ng iyong gawa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan, Upang sila'y palukluking kasama ng mga prinsipe, At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian: Sapagka't ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon, At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila.