1 Samuel 21:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't kanyang binago ang kanyang kilos sa harap nila, at nagkunwaring baliw sa harapan nila. Gumawa siya ng mga guhit sa mga pinto ng tarangkahan, at pinatulo ang laway sa kanyang balbas.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya nagkunwari siyang baliw, pinagkakalmot niya ang mga dingding ng lungsod at pinatulo ang laway niya sa kanyang balbas.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kaniyang binago ang kaniyang kilos sa harap nila at nagpakunwaring ulol sa kanilang mga kamay, at nagguhit sa mga pinto ng pintuang-daan, at pinatulo ang kaniyang laway sa kaniyang balbas.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya't nagkunwari siyang baliw nang siya'y hulihin. Nagsusulat siya sa mga pader ng pintuang-bayan at hinahayaang tumulo ang kanyang laway.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya't nagkunwari siyang baliw nang siya'y hulihin. Nagsusulat siya sa mga pader ng pintuang-bayan at hinahayaang tumulo ang kanyang laway.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kaya't nagkunwari siyang baliw nang siya'y hulihin. Nagsusulat siya sa mga pader ng pintuang-bayan at hinahayaang tumulo ang kanyang laway.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)