1 Samuel 24:10 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nakita ngayon ng iyong mga mata kung paanong ibinigay ka ngayon ng PANGINOON sa aking kamay sa yungib, at sinabi sa akin ng iba na patayin kita. Ngunit hinayaan kita at aking sinabi, 'Hindi ko sasaktan ng aking kamay ang aking panginoon, sapagkat siya ang binuhusan ng langis ng PANGINOON.'
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sa araw na ito, nakita nʼyo kung paano kayo ibinigay ng Panginoon sa aking mga kamay doon sa loob ng kweba. Sinabi sa akin ng iba kong mga tauhan na patayin kayo pero hindi ko ginawa. Sinabi ko sa kanila na hindi ko sasaktan ang aking hari dahil pinili siya ng Panginoon na maging hari.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Narito, nakita ngayon ng iyong mga mata kung paanong ibinigay ka ngayon ng Panginoon sa aking kamay sa yungib: at sinabi sa akin ng iba na patayin kita: ngunit hindi kita inano; at aking sinabi, Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon; sapagkat siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mapapatunayan ko sa inyo na hindi totoo iyon. Kanina sa yungib ay binigyan ako ni Yahweh ng pagkakataong mapatay kayo. Gusto na ng mga tauhan kong patayin kayo ngunit hindi ko ginawa. Sinabi ko sa kanila na hindi ko maaaring pagbuhatan ng kamay ang aking hari sapagkat siya'y pinili ni Yahweh.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mapapatunayan ko sa inyo na hindi totoo iyon. Kanina sa yungib ay binigyan ako ni Yahweh ng pagkakataong mapatay kayo. Gusto na ng mga tauhan kong patayin kayo ngunit hindi ko ginawa. Sinabi ko sa kanila na hindi ko maaaring pagbuhatan ng kamay ang aking hari sapagkat siya'y pinili ni Yahweh.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mapapatunayan ko sa inyo na hindi totoo iyon. Kanina sa yungib ay binigyan ako ni Yahweh ng pagkakataong mapatay kayo. Gusto na ng mga tauhan kong patayin kayo ngunit hindi ko ginawa. Sinabi ko sa kanila na hindi ko maaaring pagbuhatan ng kamay ang aking hari sapagkat siya'y pinili ni Yahweh.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Narito, nakita ngayon ng iyong mga mata kung paanong ibinigay ka ngayon ng Panginoon sa aking kamay sa yungib: at sinabi sa akin ng iba na patayin kita: nguni't hindi kita inano; at aking sinabi, Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon; sapagka't siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon.