1 Samuel 25:24 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Siya'y nagpatirapa sa kanyang mga paa at nagsabi, "Sa akin mo na lamang ipataw ang pagkakasala, panginoon ko. Hinihiling ko sa iyo na iyong papagsalitain ang iyong lingkod sa iyong pandinig, at iyong pakinggan ang mga salita ng iyong lingkod.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi niya, “Pakiusap po, pakinggan nʼyo ako. Inaako ko na po ang pagkakamali ng aking asawa.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At siyay nagpatirapa sa kaniyang mga paa at nagsabi, Mapasa akin, panginoon ko, mapasa akin ang kasamaan: at isinasamo ko sa iyo na iyong papagsalitain ang iyong lingkod sa iyong mga pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng iyong lingkod.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi niya, “Ako na po ang inyong sisihin. Pakinggan po muna sana ninyo ang aking sasabihin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi niya, “Ako na po ang inyong sisihin. Pakinggan po muna sana ninyo ang aking sasabihin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi niya, “Ako na po ang inyong sisihin. Pakinggan po muna sana ninyo ang aking sasabihin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At siya'y nagpatirapa sa kaniyang mga paa at nagsabi, Mapasa akin, panginoon ko, mapasa akin ang kasamaan: at isinasamo ko sa iyo na iyong papagsalitain ang iyong lingkod sa iyong mga pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng iyong lingkod.