1 Samuel 26:12 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig sa ulunan ni Saul at sila'y umalis. Walang nakakita o nakaalam man, o nagising man ang sinuman, sapagkat sila'y pawang mga tulog, dahil isang mahimbing na pagkakatulog mula sa PANGINOON ang dumating sa kanila.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya kinuha ni David ang sibat at ang lalagyan ng tubig na nasa ulunan ni Saul at umalis na sila. Nakaalis sila nang walang nakakaalam o nakakakita sa nangyari; walang nagising sa kanila dahil pinahimbing ng Panginoon ang kanilang pagtulog.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa gayoy kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig sa ulunan ni Saul; at silay umalis, at walang nakakita, o nakaalam man, o nagising man ang sinoman: sapagkat silay pawang mga tulog; sapagkat isang mahimbing na pagkakatulog ang inihulog sa kanila ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kinuha nga ni David ang sibat sa ulunan ni Saul at ang lalagyan nito ng inumin, at sila'y umalis. Isa man kina Saul ay walang nagising sapagkat niloob ni Yahweh na makatulog sila ng mahimbing. Dumating at umalis sina David nang walang nakaalam.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kinuha nga ni David ang sibat sa ulunan ni Saul at ang lalagyan nito ng inumin, at sila'y umalis. Isa man kina Saul ay walang nagising sapagkat niloob ni Yahweh na makatulog sila ng mahimbing. Dumating at umalis sina David nang walang nakaalam.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kinuha nga ni David ang sibat sa ulunan ni Saul at ang lalagyan nito ng inumin, at sila'y umalis. Isa man kina Saul ay walang nagising sapagkat niloob ni Yahweh na makatulog sila nang mahimbing. Dumating at umalis sina David nang walang nakaalam.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa gayo'y kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig sa ulunan ni Saul; at sila'y umalis, at walang nakakita, o nakaalam man, o nagising man ang sinoman: sapagka't sila'y pawang mga tulog; sapagka't isang mahimbing na pagkakatulog ang inihulog sa kanila ng Panginoon.