1 Samuel 30:24 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sino ang makikinig sa inyo sa bagay na ito? Sapagkat kung gaano ang bahagi ng lumusong sa labanan ay gayundin ang bahagi ng naiwan sa dala-dalahan. Sila'y magkakaroon ng pare-parehong bahagi."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sino sa tingin ninyo ang makikinig sa inyo? Dapat bigyan ang lahat. Pareho lang ang bahagi ng mga nagpaiwan para magbantay sa kagamitan at ng mga sumama sa labanan.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sino ang didinig sa inyo sa bagay na ito? sapagkat kung gaano ang bahagi ng lumusong sa pakikipagbaka, ay gayon ang bahagi ng naiwan sa daladalahan: silay paraparang magkakabahagi.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya, pare-pareho ang magiging bahagi ng lahat, maging kasama sa paglusob o naiwan upang magbantay sa ating mga ari-arian.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya, pare-pareho ang magiging bahagi ng lahat, maging kasama sa paglusob o naiwan upang magbantay sa ating mga ari-arian.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kaya, pare-pareho ang magiging bahagi ng lahat, maging kasama sa paglusob o naiwan upang magbantay sa ating mga ari-arian.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sino ang didinig sa inyo sa bagay na ito? sapagka't kung gaano ang bahagi ng lumusong sa pakikipagbaka, ay gayon ang bahagi ng naiwan sa daladalahan: sila'y paraparang magkakabahagi.