1 Samuel 4:1 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang salita ni Samuel ay dumating sa buong Israel. Ngayo'y lumabas ang Israel upang makipaglaban sa mga Filisteo. Sila'y humimpil sa Ebenezer, at ang mga Filisteo ay humimpil sa Afec.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kumalat sa buong Israel ang mensahe ni Samuel. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Israelita at mga Filisteo nang mga panahong iyon. Nagkampo ang mga Israelita sa Ebenezer, at ang mga Filisteo naman ay sa Afek.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang salita ni Samuel ay dumating sa buong Israel, Ngayoy lumabas ang Israel laban sa mga Filisteo upang makipagbaka, at humantong sa Ebenezer: at ang mga Filisteo ay humantong sa Aphec.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dumating ang araw na nakipagdigmaan ang mga Israelita laban sa mga Filisteo. Sa Ebenezer nagkampo ang mga Israelita at sa Afec naman ang mga Filisteo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dumating ang araw na nakipagdigmaan ang mga Israelita laban sa mga Filisteo. Sa Ebenezer nagkampo ang mga Israelita at sa Afec naman ang mga Filisteo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dumating ang araw na nakipagdigmaan ang mga Israelita laban sa mga Filisteo. Sa Ebenezer nagkampo ang mga Israelita at sa Afec naman ang mga Filisteo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang salita ni Samuel ay dumating sa buong Israel, Ngayo'y lumabas ang Israel laban sa mga Filisteo upang makipagbaka, at humantong sa Ebenezer: at ang mga Filisteo ay humantong sa Aphec.