1 Samuel 6:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Noon ang mga tagaBet-shemes ay nag-aani ng kanilang trigo sa libis. Nang sila'y tumingin at nakita ang kaban, sila ay nagalak na makita iyon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang mga panahong iyon, nag-aani ang mga taga-Bet Shemesh ng trigo sa lambak. Nang makita nila ang Kahon ng Kasunduan, tuwang-tuwa sila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At silang mga Beth-semita ay umaani ng kanilang trigo sa libis: at kanilang itiningin ang kanilang mga mata, at nakita ang kaban, at nangagalak sa pagkakita niyaon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nag-aani noon ng trigo ang mga taga-Beth-semes at napasigaw sila sa tuwa nang makita ang Kaban.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nag-aani noon ng trigo ang mga taga-Beth-semes at napasigaw sila sa tuwa nang makita ang Kaban.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nag-aani noon ng trigo ang mga taga-Beth-semes at napasigaw sila sa tuwa nang makita ang Kaban.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At silang mga Beth-semita ay umaani ng kanilang trigo sa libis: at kanilang itiningin ang kanilang mga mata, at nakita ang kaban, at nangagalak sa pagkakita niyaon.