1 Timothy 4:16 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ingatan mo ang iyong sarili at ang iyong pagtuturo. Manatili ka sa mga bagay na ito, sapagkat sa paggawa nito ay maililigtas mo ang iyong sarili at ang mga nakikinig sa iyo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Maging maingat ka sa pamumuhay at pagtuturo mo. Patuloy mong gawin ang mga bagay na ito para maligtas ka at ang mga nakikinig sa iyo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagkat sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pakaingatan mo ang iyong pagkilos at pagtuturo; patuloy mong gawin ang mga bagay na ito upang maligtas ka, pati na ang mga nakikinig sa iyo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pakaingatan mo ang iyong pagkilos at pagtuturo; patuloy mong gawin ang mga bagay na ito upang maligtas ka, pati na ang mga nakikinig sa iyo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pakaingatan mo ang iyong sarili at ang iyong pagtuturo. Patuloy mong gawin ang mga ito sapagkat sa paggawa mo nito ay maliligtas ka, pati na ang mga nakikinig sa iyo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.