1 Timothy 6:2 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang mga may among mananampalataya ay huwag maging walang galang sa kanila, sapagkat sila'y mga kapatid, kundi lalo pa silang maglingkod, sapagkat ang mga makikinabang ay mga mananampalataya at mga minamahal. Iyong ituro at ipangaral ang mga bagay na ito.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At kung mga mananampalataya rin ang amo nila, hindi sila dapat mawalan ng paggalang dahil lang sa magkakapatid sila sa pananampalataya. Sa halip, lalo pa nga nilang dapat pagbutihin ang paglilingkod nila dahil kapwa mananampalataya ang nakikinabang sa paglilingkod nila, at mahal din ng Dios. Ituro mo ang mga bagay na ito at hikayatin silang sundin ito.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang mga may panginoong nagsisisampalataya, ay huwag mayamot sa kanila, sapagkat silay pawang magkakapatid; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti, sapagkat nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan. Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At kung ang kanila namang amo ay kapwa nila Cristiano, hindi sila dapat magkulang ng paggalang sa mga ito sa dahilang sila'y magkapatid sa pananampalataya. Dapat pa nga nilang pagbutihin ang kanilang paglilingkod sapagkat ang pinaglilingkuran nila'y kaisa sa pananampalataya at pag-ibig. Ituro mo't ipatupad ang mga bagay na ito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At kung ang kanila namang amo ay kapwa nila Cristiano, hindi sila dapat magkulang ng paggalang sa mga ito sa dahilang sila'y magkapatid sa pananampalataya. Dapat pa nga nilang pagbutihin ang kanilang paglilingkod sapagkat ang pinaglilingkuran nila'y kaisa sa pananampalataya at pag-ibig. Ituro mo't ipatupad ang mga bagay na ito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At kung ang kanila namang amo ay kapwa nila mananampalataya, ang kanilang pagiging magkapatid ay hindi dapat maging dahilan ng hindi nila paggalang sa mga ito. Sa halip, dapat pa nga nilang pagbutihin ang kanilang paglilingkod sapagkat ang nakikinabang sa kanilang paglilingkod ay mga mananampalatayang minamahal nila. Ituro mo't ipatupad ang mga bagay na ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang mga may panginoong nagsisisampalataya, ay huwag mayamot sa kanila, sapagka't sila'y pawang magkakapatid; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti, sapagka't nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan. Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito.