2 Chronicles 1:5 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Bukod dito, ang dambanang tanso na ginawa ni Bezalel na anak ni Uri, na anak ni Hur ay naroon sa harapan ng tabernakulo ng PANGINOON. Doon ay sumangguni sa PANGINOON si Solomon at ang kapulungan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ngunit ang tansong altar na ginawa ni Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur ay naroon pa sa Gibeon sa harap ng Tolda ng Panginoon. Kaya doon nagtipon si Solomon at ang lahat ng tao para magtanong sa Panginoon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Bukod ditoy ang dambanang tanso na ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, ay nandoon sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: at dooy sumangguni si Salomon at ang buong kapisanan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang nasa Gibeon, sa harap ng tabernakulo ni Yahweh, ay ang altar na tanso na ginawa ni Bezalel, anak ni Uri at apo ni Hur.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang nasa Gibeon, sa harap ng tabernakulo ni Yahweh, ay ang altar na tanso na ginawa ni Bezalel, anak ni Uri at apo ni Hur.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang nasa Gibeon, sa harap ng tabernakulo ni Yahweh, ay ang altar na tanso na ginawa ni Bezalel, anak ni Uri at apo ni Hur.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Bukod dito'y ang dambanang tanso na ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, ay nandoon sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: at doo'y sumangguni si Salomon at ang buong kapisanan.