2 Chronicles 14:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At si Asa at ang mga tauhang kasama niya ay humabol sa kanila hanggang sa Gerar, at ang mga taga-Etiopia ay nabuwal hanggang sa walang naiwang buhay; sapagkat sila'y nawasak sa harapan ng PANGINOON at ng kanyang hukbo. Ang mga taga-Juda ay nagdala ng napakaraming samsam.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
at hinabol sila ni Asa at ng kanyang mga sundalo hanggang sa Gerar. Marami sa mga ito ang namatay at hindi na makalaban pa. Dinaig sila ng Panginoon at ng kanyang mga sundalo. Maraming ari-arian ang nasamsam ng mga sundalo ng Juda.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At si Asa at ang bayan na kasama niya ay nagsihabol sa kanila hanggang sa Gerar: at nangabuwal sa mga taga Etiopia ang totoong marami, na anopat silay hindi makabawi, sapagkat silay nalansag sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang hukbo; at silay nagsipagdala ng totoong maraming samsam.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hinabol sila ni Asa at ng kanyang mga kawal hanggang Gerar. Sa tulong ni Yahweh, naubos ang kanilang mga kaaway, at napakarami nilang nasamsam.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Hinabol sila ni Asa at ng kanyang mga kawal hanggang Gerar. Sa tulong ni Yahweh, naubos ang kanilang mga kaaway, at napakarami nilang nasamsam.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Hinabol sila ni Asa at ng kanyang mga kawal hanggang Gerar. Sa tulong ni Yahweh, naubos ang kanilang mga kaaway, at napakarami nilang nasamsam.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At si Asa at ang bayan na kasama niya ay nagsihabol sa kanila hanggang sa Gerar: at nangabuwal sa mga taga Etiopia ang totoong marami, na anopa't sila'y hindi makabawi, sapagka't sila'y nalansag sa harap ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang hukbo; at sila'y nagsipagdala ng totoong maraming samsam.